Thursday, February 16, 2012

Pabula




ANG LOBO AT ANG UBAS

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. “Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas,” ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. “Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon,” ang sabi niya sa sarili.
 












ANG ALAMAT NG MAYA


Ang Alamat ng Maya

pipit.jpg (17921 bytes)
Ibong Maya
real.gif (626 bytes)Si Rita ay batang lubhang malikot.  Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.
real.gif (626 bytes)Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay.  Si Rita ay nanood sa kanyang ina.  Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan.  Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas.  Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao.  Ngayon natakpan siya ng bilao.  Hindi nahalata ng ina.  Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo.  Hindi sumagot si Rita.  Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.
real.gif (626 bytes)Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob.  Kumakain ng bigas ang ibong iyon.  Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.
MY DREAM HOUSE

I want to live in my dream house
together with my family.

Wednesday, February 15, 2012

Mga magandang tanawin

ANG BANAUE RICE TERRACES

Ang Banaue Rice Terraces ay isa sa mga
magagandang tanawin sa ating bansa.
Ito ay hagdan-hagdang taniman ng palay
na ginawa ng mga Ifugao.

Filipino

PANG-URI

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan
sa ngalan ng tao,bagay,hayop,
pook at pangyayari.
Halimbawa:
maganda- Maganda ang damit ni Ella.
malaki- Ang bahay ay malaki.

Nouns

NOUN

Nouns are words that are used to
name an animal, person, idea, place or thing.
Example:
Animal- dog, cat, elephant
Person- Ana, teacher, boy
Place- school, church
Thing- apple, book, pencil